Friday, October 18, 2013

Manong

Makalipas ang ilang buwan, nakapagpost ulit ako dito XD
Di bale babawi ako sa inyu. Sadyang makulit lang talaga ang tadhana at ngayon lang ulit ako nakapagpinta.





Ang regalo ko sa inyu ngayon ay isang tauhan sa ating komiks (sa wakas may sumunod na kay 405! hahaha) Bawat isa naman siguro sa atin ay siguradong may nakilalang nagngangalang manong sa buhay natin.  Sa akin ito ay si Manong. Sadyang masipag maghanap buhay sa kabila ng tagaktak ng init ng araw at minsan sa walang humpay na buhos ng ulan, ay nananatili syang nakatayo para lang sa ikabubuhay ng kanyang pamilya. 

O sya sa susunod nalang muli :D


Wednesday, May 22, 2013

Flying Jeepney concept 2

Heto nanaman tayo! panibagong koncepto uli ng jeep! 
Mas nakakuha ako ng ideya ng ginawan ko ng konsepto yung pedicab natin. 
Sana magustuhan nyo! :)






Tuesday, April 30, 2013

Flying Pedicab Concept

Sa wakas! 
Nakasingit din ng oras para makapaggawa at makapagupdate mga kapatid! haha! 
Isang konsepto lang naman muli ang ibabahagi ko sa inyo. 
Konsepto ng isang kilalang sasakyan din natin dito sa pinas! 
Ang malulupet mag metro tuwing umuulan at nagbabaha! 





Ang sikat na sikat na Pedicab! 
O mas kilalang tawagin din dito sa kamaynilaang bilang sidecar. 
Kagaya ng nauna kong konsepto ng ating jeep, 
pinalipad ko din ito. 

Sadyang mahilig lang naman magliparan ang 
ating mga sasakyan na kakatawan sa ating komiks. 
Sana magustuhan niyo ang pagkakadisenyo ko dito :D




Wednesday, April 3, 2013

Billboard City

Para mabigyan kayo ng kahit kaonting ideya sa magiging setting ng ating komiks, 
heto ang nagawa ko ngayon. 
Isang syudad na napupuno ng sangkatutak at nagtataasang billboards.
 Kung anu man ang ikinaliwanag nila sa gabi 
anu naman kaya ang tinatago ng mga ito sa umaga. 
Abangan niyo nalang sa komiks! :D





Tuesday, April 2, 2013

Flying Jeepney

Ngayon e isa namang pagaaral ang ginawa ko 
para sa mga sasakyang mayroong malaking bahagi sa storya natin. 
Ang aking paboritong sakyan, ang jeepney. 
Ilang pagbabago lang naman ang aking pinaglaruan base sa disenyo nya. 
Lumilipad lang naman siya! XD 
Gayun pa man, hindi pa naman ito ang pinakapinal na disenyo nito, 
pagaaral palang naman ito. 
Abangan niyo nalang sa mga susunod kong post ang magiging itsura nyan :)

(pagpasensyahan niyo na ang inang post ko nito e
napaingles ako ng wala sa oras, kala ko kasi yung isang blog ko gamit ko hahaha! )






Friday, March 22, 2013

Bilang 405

Sawakas natapos ko din! 
Salamat sa lahat ng tumulong at pumili para matapos ko na si "405"!
Ang saya palang mag-photo manip! haha! 
Isa siyang robot na pinagpatchepacheng parte ng 
kahit anung maisip niyong uri ng pampublikong sasakyan!
Kung anu man ang magiging papel niya sa storya abangan nyo nalang sa komiks, 
ang importante natapos ko na siyang idesenyo ngayun.




 Sa tingin ko hindi pa naman ito ang pinakapinal na disenyo nya, 
Pag-aaral palang naman ito. 
Abangan niyo nalang ang mga susunod kong post! :D

Thursday, March 21, 2013

Silhouette Study

Mahalaga ang pag-aaral ng silhouette sa pagbuo ng isang character. 
Sa pamamagitan nito napagaaralan mo kung interesante ba ang isang character 
kahit anino lang nino ang nakikita mo sa malayo. 
Kaya ang post ko ngayun ay isang pagaaral sa silhouette ng isa sa mga character sa ating komiks! 
Hindi pa ko nakakapili kung alin sakanila ang mas interesante. 
Sa pamamagitan ng tulong niyo mas makakapili tayo kung alin sakanila ang pipiliin ko.
Bukas ang buong detalye na ng una nating character!
Letsgo!!! :D



Tuesday, March 19, 2013

Head Study #1


Para sa ikalawang post ko ay isang head study ng isa sa mga character na bubuo sa ating komiks!
op! op! op! wag muna kayung maexcite masyado. Unti-unti ko ding ipapakilala kung sinu siya at anu ang gagampanan nya sa storya. (hahaha feeling!)




Sa ngayun isang pagaaral muna ang aking isinasagawa at sana bukas 
matapos ko na yung kabuuan nya at mabigyan ko na din siya ng pangalan.
oh sya sya! :))


Monday, March 18, 2013

Mabuhay Rotonda!

Parang kabute lang ang pagsulpot nitong sumunod kong blog.
Nilikha para maisakatuparan ko ang aking pangarap na makabuo ng sarili kong komiks! :)
Ang blog na ito ay magsisilbing tahanan ng mga pagaaral at samutsaring kaisipan na unti-unting bubuo sa isang storya na lumulutang-lutang ngayon sa kalangitan! hahaha!
(di bale sa mga susunod ko na post mas titino na pagsusulat ko dito, pagbigyan niyo na ko!)

Ok para mai-welcome ko kayo sa panibagong hakbang ng aking buhay, 
hayaan nyong batiin ko kayo ng isang panimulang artwork na ginawa ko para sa inyo. Isang welcome rotonda na magsisilbing panimula sa storyang ating niluluto sa kasalukuyan!



Ang mga rotondang ito (sa kakaonting natitira sa ngayon) ay nagsisilbing pambati at palatandaan sa tuwing tayo ay papasok sa isang panibagong siyudad. Nakakalungkot lang isiping unti-unti na silang napapabayaan at sinisira para lang magbigay daan sa mga makabagong infrastraktura sa ngayon. Nabasa ko nga sa isang batikang arkitekto na kadalasan, malalaking mall na ang bumabati at pumapalit sa kanila. Sana lang hindi ito napabayaan ng ating gobyerno at maibalik sila at mapaganda pa, at patuloy pa tayong batiin sa bawat hakbang natin sa ating paglalakbay.

Gayun pa man.
 Samahan niyo ko sa aking pagbuo ng isang makabuluhang komiks 
at sana mula sa simula hanggang mailathala ito ay nanjan kayo para suportahan ako! hahaha! 
Maraming Salamat! :D