Friday, March 22, 2013

Bilang 405

Sawakas natapos ko din! 
Salamat sa lahat ng tumulong at pumili para matapos ko na si "405"!
Ang saya palang mag-photo manip! haha! 
Isa siyang robot na pinagpatchepacheng parte ng 
kahit anung maisip niyong uri ng pampublikong sasakyan!
Kung anu man ang magiging papel niya sa storya abangan nyo nalang sa komiks, 
ang importante natapos ko na siyang idesenyo ngayun.




 Sa tingin ko hindi pa naman ito ang pinakapinal na disenyo nya, 
Pag-aaral palang naman ito. 
Abangan niyo nalang ang mga susunod kong post! :D

Thursday, March 21, 2013

Silhouette Study

Mahalaga ang pag-aaral ng silhouette sa pagbuo ng isang character. 
Sa pamamagitan nito napagaaralan mo kung interesante ba ang isang character 
kahit anino lang nino ang nakikita mo sa malayo. 
Kaya ang post ko ngayun ay isang pagaaral sa silhouette ng isa sa mga character sa ating komiks! 
Hindi pa ko nakakapili kung alin sakanila ang mas interesante. 
Sa pamamagitan ng tulong niyo mas makakapili tayo kung alin sakanila ang pipiliin ko.
Bukas ang buong detalye na ng una nating character!
Letsgo!!! :D



Tuesday, March 19, 2013

Head Study #1


Para sa ikalawang post ko ay isang head study ng isa sa mga character na bubuo sa ating komiks!
op! op! op! wag muna kayung maexcite masyado. Unti-unti ko ding ipapakilala kung sinu siya at anu ang gagampanan nya sa storya. (hahaha feeling!)




Sa ngayun isang pagaaral muna ang aking isinasagawa at sana bukas 
matapos ko na yung kabuuan nya at mabigyan ko na din siya ng pangalan.
oh sya sya! :))


Monday, March 18, 2013

Mabuhay Rotonda!

Parang kabute lang ang pagsulpot nitong sumunod kong blog.
Nilikha para maisakatuparan ko ang aking pangarap na makabuo ng sarili kong komiks! :)
Ang blog na ito ay magsisilbing tahanan ng mga pagaaral at samutsaring kaisipan na unti-unting bubuo sa isang storya na lumulutang-lutang ngayon sa kalangitan! hahaha!
(di bale sa mga susunod ko na post mas titino na pagsusulat ko dito, pagbigyan niyo na ko!)

Ok para mai-welcome ko kayo sa panibagong hakbang ng aking buhay, 
hayaan nyong batiin ko kayo ng isang panimulang artwork na ginawa ko para sa inyo. Isang welcome rotonda na magsisilbing panimula sa storyang ating niluluto sa kasalukuyan!



Ang mga rotondang ito (sa kakaonting natitira sa ngayon) ay nagsisilbing pambati at palatandaan sa tuwing tayo ay papasok sa isang panibagong siyudad. Nakakalungkot lang isiping unti-unti na silang napapabayaan at sinisira para lang magbigay daan sa mga makabagong infrastraktura sa ngayon. Nabasa ko nga sa isang batikang arkitekto na kadalasan, malalaking mall na ang bumabati at pumapalit sa kanila. Sana lang hindi ito napabayaan ng ating gobyerno at maibalik sila at mapaganda pa, at patuloy pa tayong batiin sa bawat hakbang natin sa ating paglalakbay.

Gayun pa man.
 Samahan niyo ko sa aking pagbuo ng isang makabuluhang komiks 
at sana mula sa simula hanggang mailathala ito ay nanjan kayo para suportahan ako! hahaha! 
Maraming Salamat! :D