Monday, March 18, 2013

Mabuhay Rotonda!

Parang kabute lang ang pagsulpot nitong sumunod kong blog.
Nilikha para maisakatuparan ko ang aking pangarap na makabuo ng sarili kong komiks! :)
Ang blog na ito ay magsisilbing tahanan ng mga pagaaral at samutsaring kaisipan na unti-unting bubuo sa isang storya na lumulutang-lutang ngayon sa kalangitan! hahaha!
(di bale sa mga susunod ko na post mas titino na pagsusulat ko dito, pagbigyan niyo na ko!)

Ok para mai-welcome ko kayo sa panibagong hakbang ng aking buhay, 
hayaan nyong batiin ko kayo ng isang panimulang artwork na ginawa ko para sa inyo. Isang welcome rotonda na magsisilbing panimula sa storyang ating niluluto sa kasalukuyan!



Ang mga rotondang ito (sa kakaonting natitira sa ngayon) ay nagsisilbing pambati at palatandaan sa tuwing tayo ay papasok sa isang panibagong siyudad. Nakakalungkot lang isiping unti-unti na silang napapabayaan at sinisira para lang magbigay daan sa mga makabagong infrastraktura sa ngayon. Nabasa ko nga sa isang batikang arkitekto na kadalasan, malalaking mall na ang bumabati at pumapalit sa kanila. Sana lang hindi ito napabayaan ng ating gobyerno at maibalik sila at mapaganda pa, at patuloy pa tayong batiin sa bawat hakbang natin sa ating paglalakbay.

Gayun pa man.
 Samahan niyo ko sa aking pagbuo ng isang makabuluhang komiks 
at sana mula sa simula hanggang mailathala ito ay nanjan kayo para suportahan ako! hahaha! 
Maraming Salamat! :D



No comments:

Post a Comment